Home government Grace Poe, inirekomenda ang Business Class coaches sa MRT

Grace Poe, inirekomenda ang Business Class coaches sa MRT

Inirekomenda ni Senador Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na magkaroon ng business-class train coaches sa Metro Rail Transit -3 (MRT-3) upang maibsan ang daloy ng trapiko sa EDSA

820
0

Inirekomenda ni Senador Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na magkaroon ng business-class train coaches sa Metro Rail Transit -3 (MRT-3) upang maibsan ang daloy ng trapiko sa EDSA.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on public services, sinabi ni Poe na malaki ang posibilidad na maraming pasahero na gagamitin ng business class coaches na kayang magbayad ng P200 to P300 na mas mataas sa normal na pasahe ordinary trains sa MRT-3.

“May nagsabi sa akin. Ewan ko if this is something you can consider. But habang ginagawa ninyo ‘yung Dalian trains, baka daw pwedeng a few specific coaches or trains will be designated as business coaches,” aniya.

“Meron silang [Commuters will have] guaranteed space and designated line. Bakit? Because ‘yung mga tao who can afford to pay that amount are probably those who have private vehicles,” dagdag niya.

Sinabi ni Poe na naisip niya noong una na baka maging discriminatory ang kanyang suhestiyon pero may pasahero na nagbabayad ng mas mataas upang makakuha ng mas mahusay na serbisyo sa business-class flights.

Aniya, magagamit ng DOTr ang kikitain dito sa pagpapatupad ng mas maraming proyekto na magsisilbi sa pasahero.

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Transportation Secretary Eduardo Tugade na may plano sila na magtayo ng railways lines sa ibang bahagi ng bansa na may tatlong klase ng tren – regular, business or first class at express trains.

“Pwede nating pag-aralan, kapag nakuha na natin yung tamang numero na mag-o-operate,” aniya.

Sinabi pa ni Tugade na hindi na sila hihingi ng emergency power sa Kongreso upang makatulong sa paglutas ng problema sa trapiko sa Metro Manila. Ernie Reyes

Comments

comments