Home government Kris Aquino, malaki ang tsansa na manalo bilang Senador sa 2019 –...

Kris Aquino, malaki ang tsansa na manalo bilang Senador sa 2019 – Bam Aquino

Kris Aquino, malaki ang tsansa na manalo bilang Senador sa 2019 - Bam Aquino

4510
0

Ayon kay Sen. Bam Aquino , Malaki umano ang tsansa na Manalo si Kris kung tatakbo ito bilang Senador sa darating na halalan sa 2019.

Si Kris, if she decides to run, I think she’d win. Honestly ha kung itutuloy niya ‘tong paninindigan laban sa ginagawa ng mga administrasyon, I think she’d be very welcome in the senate.” pag-amin ng senador sa isang interview.

Gayunman, kailangan pang mag-usap ng pamil­ya Aquino kung pagsasabayin ang pagtakbo niya (Bam) at ni Kris sa darating na halalan.

Alam mo pag-uusapan namin ‘yan. Siya naman ‘yung ate, ‘di ba?” wika ng senador.

Kung sakali man na parehong matuloy si Kris at Bam sa pagtakbo sa darating na halalan, Makakasabay din nila ang magkapatid na sina Senador JV Ejercito at dating Senador Jinggoy Estrada .

Umusok ang usapin sa pag takbo ni Kris sa darating na halalan sa 2019 mula ng mag Trending ang Video ni Kris kung saan nag bigay sya ng Mensahe sa ginawang Video ni Mocha Uson sa pag kumpara nito sa Halik ng dalawang babae sa Eroplano sa kanyang Ama na yumaong Senador  na si Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. at sa isa pang Video kung saan hinalikan ni Pangulong Duterte ang isang OFW sa South Korea .

“I have contracts that prevent me from running, contracts that I just signed but maybe we need a voice,” pagsiwalat ng talk show host sa live video broadcast sa social media noong Hunyo 6.<

“I’ll pray. I will pray about what is best for me to do,” wika ni Kris.

Si Mocha Uson naman ay isa din na kinokonsirdera ng PDP-Laban na makasama sa kanilang Senatorial Line up.

Source: Abante

Comments

comments