Home government Kris Aquino tutulong kay Isko para pasikatin ang Maynila

Kris Aquino tutulong kay Isko para pasikatin ang Maynila

Nakahanda si dating presidential daughter at tinaguriang “Queen of All Media” na si Kris Aquino para tulungan si incoming Manila Mayor Isko Moreno na i-promote at lalong pasikatin ang lungsod sa buong mundo.

2751
0

Habang naka-bed rest ang actress-tv host sa loob ng kanyang kuwarto dahil sa aksidente, gumawa ito ng liham para sa dating kasamahan sa local entertainment para batiin ito sa kanyang pagkapanalo bilang bagong alkalde ng Maynila.

Hindi rin naman nakaligtaan ni Kris na batiin ang dalawang nakalaban ni Moreno na sina outgoing Mayor Joseph Estrada at Alfredo Lim na aniya ay pareho niyang nirerespeto.

ALSO READ: Pondo ng Maynila, inubos ng administrasyon ni Erap at nag-iwan pa ng P4.3 billion na utang.

Sinabi ni Kris na handa siyang tumulong kay Moreno para lalong sumikat ang Maynila sa buong mundo dahil marami itong magagandang lugar na dinarayo ng mga turista.

Aniya, hindi mapapahiya ang mga taga- Maynila dahil Gen X pa ang bagong alkalde at alam nito ang importansya ng social media ngayon.

Nagboluntaryo rin ang bunsong kapatid ni dating Pangulong Noynoy Aquino na mag-host ng ilang program na pwedeng i-upload sa social media para maengganyo ang mga balikbayan pati mga millennial na makilala ang capital city ng Pilipinas.

ALSO READ: Pondo ng Maynila, inubos ng administrasyon ni Erap at nag-iwan pa ng P4.3 billion na utang.

source: abante.com.ph

Comments

comments