Home government Leni, Comelec at Smartmatic balak patahimikin si Atty. Glenn Chong

Leni, Comelec at Smartmatic balak patahimikin si Atty. Glenn Chong

Leni, Comelec at Smartmatic balak patahimikin si Atty. Glenn Chong

13334
0

BALAK NI LENI ROBREDO AT NG SINDIKATONG
RIDING IN TANDEM NA PATAHIMIKIN AKO

Dumulog sa Korte Suprema ang kampo ni Leni Robredo kahapon at humingi ng agarang imbestigasyon kung bakit nahawakan ko ang mga audit logs, ang katumbas ng log book o black box ng mga vote cheating machines, mula sa Ragay, Camarines Sur.

ALSO READ: Gustong Nakawin ni Bongbong Marcos ang aking Pwesto – Leni

Matatandaan na noong naghearing sa Senado tungkol sa 459 presintong nagpadala na ng resulta bisperas pa lang ng halalan, ipinakita ko ang mga audit logs ng mga makina sa Ragay bilang patunay na may mga pekeng makina na nagpadala na ng resulta bisperas pa lang ng halalan. Walang naisagot sa hearing ang riding in tandem (Comelec + Smartmatic) sa mga patunay na ito.

Binasa ko ang kanilang 35-page Manifestation and Urgent Motion. Malinaw sa pages 2, 3, 4 at 5 na nilinlang nila ang Korte Suprema sa pamamagitan ng pagpakita ng piling bahagi lamang ng transcript o record ng nasabing Senate hearing upang paniwalaan ang kanilang bersyon. Hindi nila ipinakita ang buong transcript dahil makikita ang totoong context ng aking mga sagot at mapabulaanan ang kanilang mapanlinlang na bersyon.

Bakit ba kailangan pa nilang dumulog sa Korte Suprema gayong nandiyan naman ang LP contingent sa Senado sa pamumuno ng beteranong abogado at senador na si Franklin Drilon? Ang hakbang na ito ay pag-aamin lamang ng kampo ni Robredo at ng sindikato na hindi nila kayang sirain ako kaya sa Korte Suprema na naman sila nagbabakasakali.

Kung kaya nila, subukan nilang muli sa hearing ng Senado ngayong Huwebes, September 13. Ibigay nila ang lahat ng kanilang ebidensiya, mga sulat at larawan kamo, at isama pa si Fiona para may sapat na bala ang LP contingent. Simple lang ang mga isasagot ko pero siguradong tataob ang bangka nila.

ALSO READ: Gustong Nakawin ni Bongbong Marcos ang aking Pwesto – Leni

Nitong nakaraang linggo, sumagot ang sindikato sa mga paratang ko. Pero ipinadaan sa sulat sa Senate committee at ayaw humarap sa publiko. Kung pagbibigyan akong sagutin sila, pupunitin ko ang sulat-sagot nila sa inyong harapan dahil puro kasinungalingan lamang ang mga ito. Kaya abangan po natin ang hearing sa Huwebes, September 13, alas-10 ng umaga.

Ano ba talaga ang pakay ng kampo ni Robredo at ng sindikato?

Pinuno ni Robredo ang kanyang Manifestation and Urgent Motion ng mga Facebook posts ko tungkol sa dayaan sa halalan. Ipinipilit niya na ako ay abogado o kinatawan ni BBM kahit hindi totoo dahil ang gusto niya ay mapasailalim din ako sa gag order ng PET at tuluyang mapatahimik.

Samakatuwid, gusto niya akong patahimikin. Ito rin ang gustong mangyari ng riding in tandem. Hindi na kasi nila kayang patayin pa ang lumalaganap na kaalaman tungkol sa dayaan sa halalan. Kahit bayad pa ang mainstream media, hindi nila kaya ang social media. Kaya ito ang target nila ngayon. Idawit ako kay BBM upang masama ako sa coverage ng gag order at hindi na makapagsulat o makapagsiwalat sa isyu ng dayaan sa halalan. Dito makikita ang sabwatan ng kampo ni Robredo at ng riding in tandem na sindikato. Iisa lang ang pakay nila. Patahimikin ako.

A desperate move by a desperate camp, indeed!

Dati, ang taktika ng sindikato ay dedmahin lang ako. Pero ngayon, napilitan na silang baguhin ang kanilang taktika dahil desperado na sila. Inilalagay na nila ako sa eye of the storm, hindi dahil gusto nila ito, pero dahil wala na silang pagpipilian. I like it.

Ito ay patunay lamang na unti-unti ng nagbubunga ang ating taktika laban sa sindikato dito sa social media. Napa-aray na kasi sila at dahil gipit na, kumagat na rin sa patalim.

ALSO READ: Gustong Nakawin ni Bongbong Marcos ang aking Pwesto – Leni

Hinding-hindi ako tatahimik hangga’t nandiyan kayo sa aking gilid at likuran, mga kababayan. Ipagpatuloy natin ang ating laban para sa bayan at kinabukasan. Mananalo tayo sa laban na ito.

NOTICE: SENATE HEARING SA HUWEBES, SEPTEMBER 13, ALAS-10 NG UMAGA SA SENATE SESSION HALL, 2ND FLOOR. BUKAS PO SA PUBLIKO ANG HEARING.

ALSO READ: Gustong Nakawin ni Bongbong Marcos ang aking Pwesto – Leni

(c) Glenn chong

Comments

comments