Home government Lockdown ni Duterte, pahirap sa taumbayan – Kabataan Party-list

Lockdown ni Duterte, pahirap sa taumbayan – Kabataan Party-list

Ayon sa kanila, dapat umanong magsagawa ang gobyerno ng ‘mass testing’ at magbigay ng pinansyal na tulong, libreng gamot at pagkain.

730
0

Kinontra ng Kabataan party-list ang ipinatupad na ‘enhanced community quarantine’ ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa official Facebook page ng Kabataan party-list, sinabi nilang dapat umanong itigil ng gobyerno ang ipinatupad na community quarantine dahil pahirap lamang ito sa mga Pilipino.

Ayon sa kanila, dapat umanong magsagawa ang gobyerno ng ‘mass testing’ at magbigay ng pinansyal na tulong, libreng gamot at pagkain.

“Itigil ang pangmalawakang lockdown! Sa halip, magsagawa ng mass testing at mamahagi ng financial aid, ng libreng gamot, at ng libreng pagkain!”

“Ibigay ang lahat ng pangangailang medikal tulad ng face masks, gwantes, alkohol, at iba pang personal protective equipment ng mga health workers!” dagdag nila.

Sa ngayon ay burado na ang Facebook post ng Kabataan Party-list.

Dagdag naman ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, dapat umanong pigilan ng gobyerno ang mga paaralang magtataas ng tuition fees at iba pang bayarin pagkatapos ng community quarantine.

Samantala, binatikos naman ng mga netizens ang sinabi ng Kabataan Party-list dahil puro lamang umano sila reklamo at batikos sa pamahalaan.

“Magaling lang kayong bumatikos, pero pagdating sa pagtulong sa mga Kababayan natin, tulad ng ganitong krisis, nganga kayo!” sabi ni netizen Garry.

“Pahirap kayo sa policy ng bansa,,, naiisip niyo yan. Bakit d kayo manguna magbigay ng mga yan.. Kabataan din ako, pero salamat sa Panginoon kasi d ako kagaya niyo.. May goodness,” sabi naman ni netizen Rolyline Mina.

“Diba may budget kayo as congressman..bakit hindi niyo gamitin para sa maralita..diba sila ang ipinaglalaban niyo..patunayan niyo ngayon kung talagang makamasa kayo!” sabi ni Flora Anona.

***
Source: Pinoy Trend

Comments

comments