Home government Nakakasuka na! De Lima sa ‘penis joke’ ni Duterte

Nakakasuka na! De Lima sa ‘penis joke’ ni Duterte

Nakakasuka na! De Lima sa ‘penis joke’ ni Duterte

534
0

Tinuligsa ni Senadora Leila de Lima ang mga “joke” ni Pangulong Rodrigo Duterte na layon umano ay mailayo ang atensiyon ng publiko sa mga isyu na dapat nitong sagutin.

Hinamon nito ang Pangulo na harapin nang maayos ang sunod-sunod na mga isyu na sumasabog umano sa mukha nito gaya ng “The Real Narcolist”, report ng PCIJ tungkol sa yaman ng first family at pagmasaker sa 14 na magsasaka sa Negros Oriental.

Binuweltahan din nito ang pagbibiro ng Pangulo tungkol sa kanyang “ari” na nakakasuka na umano.

ALSO READ: PH Marines Gen. De Leon hinamon ang Otso Diretso na sasamahan sila sa Spratly island

“Nakakasuka ka na, Mr. Duterte, sa mga so-called jokes mo, sick jokes, the latest being that d*ck joke in Puerto Princesa. Enough! You’re the lowest, most depraved and decadent leader our country ever had.

You’ve done nothing but cause us an embarrassment to the world,” pahayag ni De Lima.

Dagdag pa niya, akala umano ng Punong Ehekutibo ay maaaliw ang mga tao sa mga kabastusan nito at makakalimutan ang mga kasalanan sa bayan.

“Nagkakamali ka! Your jokes or non-jokes, not even the sickest one, cannot make us forget your escalating sins,” aniya.

Ano ang masasabi mo sa balita na ito?

source: abante.com.ph

 

Comments

comments