Home government Smartmatic gusto paring ma-involve at gamitin ang kanilang makina sa 2019 election

Smartmatic gusto paring ma-involve at gamitin ang kanilang makina sa 2019 election

Smartmatic gusto paring ma-involve at gamitin ang kanilang makina sa 2019 election

1858
0

NAMIMILIT PA RIN ANG SINUNGALING NA SMARTMATIC

Isinuka na ng sambayanang Pilipino ang kompanyang ito pero nagpapakapal ng mukhang ipinipilit pa rin ang sarili upang makontrol at manakaw muli ang ating mga boto sa 2019.

Iginiit ni Elie Moreno, VP ng Smartmatic for Global Services na sasali pa rin sila sa 2019 elections dahil hindi raw napatunayan ang mga paratang ng dayaan sa halalan.

Ito ay pawang kasinungalingan. Mukhang may pinagmanahan ang VP na ito dito sa Pilipinas sa pakapalan ng mukha!

As it stands today, ang paratang ni Tito Sen na may 459 presinto sa buong bansa na nagpapadala na ng resulta bisperas pa lang ng halalan at nakumpirma o napatutuhanan natin gamit ang ebidensiya mula sa Comelec mismo ay hindi pa sinagot ng riding in tandem (Comelec + Smartmatic) plus lookout (PPCRV) sa harap ng publiko.

Sa halip na humarap sila sa publiko at sagutin ito, pinili nilang sumagot kahapon sa patagong hearing na isinagawa ng komite ng Senado sa Manila Polo Club na tila ba mga magnanakaw na nagtatago upang hindi mabuklo.

Bakit sila nagtatago sa kanilang lungga kung wala silang masamang ginawa? Naghahanda ba sila para sa isang halalan o naghahandang muli para sa isang malawakang dayaan?

Kahapon din, magsasagawa sana ang riding in tandem ng pagprinta ng 3,500 test ballots sa National Printing Office. Kompleto ang kanilang opisyal na paanyaya. Pero hindi nila inakala na darating kami upang magmasid sa kanila.

Dahil dito, biglang nasira ang file na naglalaman ng balota at hindi na maiprint ito. Hindi kami umalis. Inayos kunyari. Nang malapit ng maayos, biglang may ibang dahilan. Wala raw palang pahintulot ang printing activity mula sa pinuno ng National Printing Office kaya hindi matutuloy ang printing ng test ballots.

Mantakin mo, nagpadala ang sindikato ng opisyal na mga sulat-paanyaya only to find out na wala palang pahintulot ang activity nila sa National Printing Office. Kalukohan!

Ang malinaw, nag-imbento sila ng dahilan upang hindi matuloy ang printing activity dahil nagmamasid ang kanilang mga kalaban. Tiyak, may kababalaghan na naman ang mga test ballots na iyon.

Dagdag pa ni Elie Moreno, sasali rin daw sila sa bidding ng transmission ng mga resulta ng halalan, external batteries ng mga makina, SD (Sobrang Daya) cards at ang National Technical Support Center dahil raw ang lahat ng ito ay mahahalagang bahagi ng kanilang teknolohiya.

Magpustahan tayo! Mananalo ang Smartmatic sa lahat ng mga kontratang ito dahil ito ay mahalagang bahagi ng makinarya ng dayaan kaya hahawakan ito ng Smartmatic at ibibigay naman ng alipin nitong si Comelec.

(c) Glen Chong

Comments

comments